Ito ang sinabi ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros ay makaraang ilabas na nila ang ruling ng committee kaugnay sa naging paliwanag ni Quiboloy kung bakit hindi siya dapat ipaaresto.
Sinabi ni Hontiveros na hindi naging katanggap-tanggap ang naging sagot ni Quiboloy sa kanilang show cause order.
Ayon kay Hontiveros, ipapadala muna nila sa abogado ni Quiboloy ang naging ruling ng kumite na tuloy ang contempt sa lider ng KOJC dahil rehash ang mga argumento sa patuloy na pagtanggi nitong humarap sa senate hearing
Oras na matanggap na ang ruling ng komite hihilingin ni Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri na mag-isyu na ng arrest order laban sa naturang religious leader
Iginiit ng senadora na dapat ng humarap ni Pastor Quiboloy sa kanilang pagdinig sa mga reklamo laban sa kanya at dapat nitong igalang ang Senado bilang institusyon
Nanawagan si Hontiveros sa mga kapwa senador na huwag hayaan na maliitin ni Quiboloy ang Senado bilang iniingatan nilang institusyon.