Pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa pagpirma sa tatlong landmark laws na may positibong impact sa taumbayan.
Ang mga bagong batas ay kinabibilangan ng Republic Act (RA) 11983 o New Phil Passport Act; RA 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act; at ang RA 11985 o Philippine Salt Industry Act.
Para kay Romualdez ang “No Permit, No Exam” policy sa lahat ng educational institutions ay crucial milestone sa journey tungo sa educational equity.
Aniya sa pag-abolished sa ‘no permit, no exam’ rule ay pagbuwag sa mga hadlang para sa equal access sa edukasyon.
Ang RA 11983 o New Phil Passport Act ay major overhaul sa passport application process na ang layunin ay i-streamline ang procedure at accessibility sa lahat, habang ang RA 11985 o Phil. Salt Industry Dev’t Act ay para buhayin at i-modrnize ang salt sector sa bansa.