Pinag-aaralan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagbabawas ng water pressure sa concessionaires sa Metro Manila, bunsod ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon kay MWSS Spokesperson, Eng. Patrick Dizon, tinalakay na nila ang plano, kasama ang National Water Resources Board para matapyasan ang konsumo ng mga customer, kasabay ng pag-mantina ng antas ng tubig sa dam.
Gayunman, nilinaw ni Dizon na wala pang pinal na desisyon hinggil sa naturang panukala.
Ipinaliwanag ng MWSS executive na ang iniiwasan nila ay ang biglang pagbagsak ng water elevation dahil sa pagkonsumo ng mga customer, kaya pinag-aaralan nila kung paano mame-maintain ang daily decrease sa reservoir.