Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Republic Act No. 11983 o ang New Philippine Passport Act, na nagre-repeal sa Passport Act of 1996.
Sa ilalim ng bagong batas, itinakda ang mandato ng Department of Foreign Affairs sa pagtatatag ng online application portal at Electronic One-Stop Shop sa kanilang official website.
Binigyan din ito ng awtorisasyon na mag-alok ng offsite at mobile passport services sa mga lugar sa labas ng consular offices at foreign service posts.
Sila rin ang mangangasiwa sa accommodations para sa applications sa regular passports ng senior citizens, PWDs, buntis, mga batang edad pito pababa, solo parents, OFWs, at mga indibidwal na may emergency at exceptional cases.
Itinakda rin ang mga multa at parusa para sa discrimination o hindi patas na sistema sa paggagawad ng passport, mga iregularidad sa issuance, at iligal na pag-kumpiska o pag-hold ng passports.
Samantala, pinirmahan na rin ng pangulo ang batas na nagbabawal sa “No Permit, No Exam Policy” sa mga paaralan.