Naglaan ang pamahalaan ng P1.2-B ngayong taon para sa pagpapalakas ng Micro, Small, and Medium Enterprises.
Ayon sa Dept. of Budget and Management, sa ilalim ng 2023 national budget ay P583M ang alokasyon sa MSMEs development plan ng Dept. of Trade and Industry.
P487-M naman ang inilaan para sa pagtatayo ng Negosyo Centers, P97-M para sa one town one product next gen program, at P80-M sa shared service facilities.
Binigyang diin ni Budget sec. Amenah Pangandaman na ang MSMEs ang nagsisilbing pundasyon ng ekonomiya kaya’t aalalayan sila ng gobyerno sa pagbangon mula sa epekto ng pandemya.