Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas upang makita ang magagandang tanawin, at maranasan ang “Filipino hospitality”.
Sa bilateral meeting kay Czech President Petr Pavel sa Prague Castle, ibinida ng pangulo ang isinasagawang pag-upgrade sa regional airports ng bansa, upang i-angat ang mga ito bilang international airports.
Ito umano ang magpapalawak ng accessibility sa domestic tourist destinations.
Binigyang-diin pa ng pangulo ang kahalagahan ng pagtalakay sa people-to-people exchanges ng dalawang bansa sa harap ng pagbuhay sa sektor ng turismo matapos ang pandemya.
Samantala, tinalakay din ang posibleng kooperasyon ng mga paaralan ng dalawang bansa kaakibat ng student at scientific exchanges.