dzme1530.ph

Industriya ng kape sa Batangas, bubuhayin

Sisikapin ng lalawigan ng Batangas na mabuhay ang industriya ng kape sa kanilang lalawigan.

Sa Kape Talks sa Manila Coffee Festival 2024 na pinangunahan nina DZME Anchors Ox Ballado at Aida Gonzales, inamin ni Wilfredo Racelis, provincial administrator ng Batangas na hindi na maituturing na coffee capital ang kanilang lalawigan.

Sinabi ni Racelis na kung produksyon ang pag-uusapan ay tatlong beses na mas malaki ang coffee production ng Cavite kumpara sa Batangas.

Ang nakalulungkot anya na maging ang Kapeng Barako o ang Liberica variant ng kape na dating kilala sa Batangas ay nagagawa na rin ng ibang lalawigan sa Visayas at maging sa Mindanao.

Dahil dito, naglatag na ng ilang hakbangin ang pamunuan ng Batangas upang ito ay marevive.

Kabilang na dito ang paghikayat sa mga fastfood chains sa lalawigan na mag-alok ng Batangas coffee sa kanilang menu.

Kaugnay nito, sinabi ni DZME chairman at dating Cong. Prospero Pichay na isa sa nakikita niyang problema ay ang pagkaunti ng lupain sa Batangas na tinataniman ng Liberica na kinatigan naman ni Racelis.

Iginiit ni Pichay na maitataas lamangsa 20 hectares ng lupa sa lalawigan ang matataniman ng Liberica variant ng kape ay tiyak na makakabawi ang Batangas.

Binigyang-diin pa ng dating kongresista, isa sa guest speaker sa festival na ang Liberica ay isa sa best variety ng kape.

About The Author