dzme1530.ph

Pagsirit ng bagong kaso ng Tuberculosis, ikinaalarma ng DOH

Naalarma si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, sa panibagong pagtaas ng kaso ng tuberculosis sa Pilipinas.

Nabatid na sumirit sa 612,534 ang bilang ng kaso ng tuberculosis sa bansa noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Herbosa, ayon sa Integrated Tuberculosis Information System, nasa 10,426 na katao ang namatay dahil sa tuberculosis.

Aminado ang opisyal na hindi lamang health problem ang tuberculosis, isa rin itong socioeconomic problem na nakaaapekto sa mga mahihirap na Pilipino.

Dahil dito, target ni Herbosa na tuldukan ang sakit na tuberculosis sa 2030 at ipa-diagnose ang mga may sakit nito.

About The Author