Lumagda ang Pilipinas at Czech Republic sa Joint Communique sa pagtatatag ng labor consultations mechanism para sa deployment ng Filipino workers sa nasabing European country.
Sinasikhan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Czech President Petr Pavel ang paglagda sa joint document sa pagitan ng Department of Migrant Workers at Czech Ministry of Labor and Social Affairs.
Ang consultations mechanism ay gagamitin sa pagtalakay sa labor issues at pagtitiyak sa organisado at patas na recruitment ng Pinoy workers alinsunod sa mga batas ng magkabilang-bansa.
Samantala, pinuri rin ni Marcos ang pag-doble ng Czech Republic sa quota ng mga pinoy na papayagang pumasok at mag-trabaho sa kanilang bansa kada taon, mula sa 5,500 paakyat sa 10,300 simula sa Mayo.
Tinatayang mahigit pitong libong pilipino ang kasalukuyang nagta-trabaho sa Czech Republic.