dzme1530.ph

Czech Republic, hinikayat ng pangulo na mag-invest sa ITBPM, manufacturing, at iba pang sektor sa Pilipinas

Czech Republic, hinikayat ng pangulo na mag-invest sa ITBPM, manufacturing, at iba pang sektor sa Pilipinas

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Czech Republic na maglagak ng puhuhan sa iba’t ibang sektor sa Pilipinas.

sa bilateral meeting kay Czech President Petr Pavel sa Prague Castle, ipinagmalaki ng pangulo ang masiglang performance ng ekonomiya ng bansa, dahilan para ito ay maging attractive destination sa investments sa ITBPM, electronics, manufacturing, food and agriculture, at automotive and electric vehicle manufacturing.

Kaugnay dito, umaasa ang pangulo na mas marami pang Czech traders at investors ang magne-negosyo sa Pilipinas.

Samantala, tinalakay din nina Marcos at Pavel ang posibleng pagpapalakas ng bilateral trade, kaakibat ng pagbuo ng partnerships sa trade and investment, labor, agrikultura, green economy at renewable energy, space and aerospace, edukasyon, turismo, depensa, at cybersecurity.

About The Author