dzme1530.ph

Pagpapababa ng inflation rate sa bansa, isa pa ring pagsubok —NEDA

Aminado ang National Economic and Development Authority na pagsubok pa rin ang pagpapababa ng inflation rate sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang 8.6% inflation rate para sa buwan ng Pebrero, na 1% lamang na mas mababa sa 8.7% inflation rate noong Enero.

Sa Press briefing sa Palasyo, inihayag ni NEDA sec. Arsenio Balisacan na ang inflation ay isang problemang hindi kayang resolbahin sa isang iglap lamang.

Kaugnay dito, tiniyak ni Balisacan na patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno para mapababa ang presyo ng mga bilihin, at ang pagbibigay ng tulong sa mga pinaka-apektadong sektor.

Matatandaang una nang inanunsyo ng Dept. of Finance na mamamahagi ang gobyerno ng kabuuang P1,000 na ayuda para sa 9.3M Filipino households.

About The Author