Isinasapinal na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga legal na hakbang para sa termination ng kanilang kontrata sa foreign Information Technology (IT) provider bunsod ng underperformance at delays.
Ang German technology firm na DERMALOG ang nagdevelop ng P3.14-b pesos na Land Transportation Management System (LTMS).
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary, Atty. Vigor Mendoza II, na tinutulungan sila ng Office of the Solicitor General (OSG) sa proseso ng pagkansela ng kanilang kontrata sa DERMALOG.
Aniya, nakikipag-coordinate din sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang matiyak na hindi maaapektuhan ng legal actions ang motor vehicle registration at driver’s license application.