dzme1530.ph

Katawa-tawa ang mga batas sa bansa kung magpapatuloy ang POGO-related crimes – Sen. Poe

Nababahala si Sen. Grace Poe na magiging katawa-tawa ang mga batas ng bansa kung patuloy na mabibigo ang mga awtoridad na masawata ang POGO-related crimes sa bansa.

Ito ay kasunod ng pinakabagong raid sa POGO sa Tarlac na para kay Poe ay patunay na nagkalat na rin ang iligal na operasyon ng offshore gaming sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinaalala ni Poe na marami na ring krimen na nakakabit sa POGO operatiions kabilang ang human trafficking, prostitution, kidnapping for ransom, torture, online scam at fake IDs at passports.

Una na anyang inirekomenda ng Senate Panel ang tuluyang pag-ban sa POGO sa bansa dahil sa problema sa seguridad.

Nakakaalarma anya na natukoy ng mga awtoriddad ang operasyon ng POGO sa Tarlac kasunod ng impormasyon sa Malaysian Embassy na may mamamayan silang nakadetine sa lugar.

Hangga’t wala pa anyang malinaw na polisiya sa pagpapatigil ng POGO operations, kailangang paigtingin pa ng mga awtoridad ang kanilang aksyon upang masawata ang mga iligal na aktibidad nito.

About The Author