dzme1530.ph

Aerospace giant Airbus, makikipagtulungan sa DOTR para sa energy sourcing sa aviation sector

Makikipagtulungan ang multinational aerospace company na Airbus sa Department of Transportation, sa paggamit ng modernong teknolohiya para sa paglikha ng enerhiya sa aviation sector ng bansa.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Berlin, inihayag ni Airbus Asia-Pacific Head Anand Stanley na tutulong sila sa paglikha ng biofuels kabilang ang posibleng pag-recycle sa cooking oil.

Pag-aaralan din ang paggamit ng carbon energy mula sa landfills o mga lupang imbakan ng basura.

Samantala, bukas din ang Airbus na umalalay sa mga pag-aaral para sa automated traffic management sa airports at air space.

Handa rin itong makipagtulungan sa human capital development, at bumuo ng high-level partnership sa pagitan ng mga unibersidad sa Pilipinas at Europa.

About The Author