dzme1530.ph

Krisis sa edukasyon, mas dapat tutukan ni VP Duterte – Senador

Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros si Vice President Sara Duterte na tutukan na lamang ang problema sa krisis sa edukasyon sa halip na makisawsaw at tumulong sa pagtatanggol kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ang pahayag ng chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ay bunsod ng video ng pangalawang pangulo na nagtatanggol kay Quiboloy at sinabing ginagamit lamang sa pamumulitika ang imbestigasyon.

Sinabi ni Hontiveros na matindi ang krisis sa edukasyon na dapat ay siyang hinaharap ni VP Sara bilang kalihim ng Department of Education.

O kaya naman, giit ni Hontiveros na kung nais talaga ng Vice President na makisawsaw sa isyu ay tulungan niya ang mga bata ar mga estudyante na pinangakuan na pag-aaaralin sa Jose Maria College ngunit ginamit sa panglilimos para kay Quiboloy.

Habang ang iba kahit nag-aral ay hindi naman ibinigay ang kanilang mga Scholastic Record lalo na ang mga umalis na bilang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

About The Author