dzme1530.ph

Leading wind and solar energy developer sa Germany, mag-iinvest ng P392-b sa Pilipinas

Mag-iinvest ang leading German wind and solar farms developer at operator na WPDGMBH ng 392 billion pesos sa pilipinas.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Berlin, inilatag ng executives ng German firm ang planong pagtatayo ng offshore wind farms sa Cavite, Negros Occidental, at Guimaras.

Nagpasalamat naman ang pangulo sa interes ng German company, sa harap umano ng pagsusumikap ng Pilipinas na isulong ang produksyon ng renewable, wind, solar, hydro, at nuclear power.

Sinabi rin ni Marcos na bagamat marami nang nakatayong wind farms sa Pilipinas, kina-kailangan pa rin nito ang expertise upang matukoy ang mga lugar na maaari pang paglagyan ng mga ito.

Idinagdag pa ng pangulo na mahalaga ang investments para sa pagtitiyak ng sapat na suplay ng enerhiya sa hinaharap.

Samantala, pinag-usapan din sa meeting ang updates kaugnay ng offshore wind farm projects ng German firm sa Cavite at Negros island.

About The Author