Nais ni Senador Jinggoy Estrada na silipin ng kaukulang kumite sa Senado ang dumaraming Chinese dredging vessels na naghuhukay sa mga ilog sa lalawigan ng Zambales.
Sa kanyang Senate Resolution 966, iginiit ni Estrada na nakababahala na ang report na 14 o higit pang dredging vessels na may mga Chinese crew ang naghuhukay sa Bocao river sa Botolan Town; Maloma river sa San Felipe at Sto Tomas river sa lalawigan ng Zambales.
Lumabas sa report na ang mga nahukay mula sa naturang mga ilog ay dinadala sa reclamation areas sa Pasay City at sa Bulacan kung saan itatayo ang paliparan.
Ipinaliwanag pa ni Jinggoy ang naturang aktibidad ay nakakabahala para sa mga residente ng Zambales at ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mamamayan na umaasa lamang sa pangingisda.