dzme1530.ph

Sindikato sa pag-iisyu ng Philippine Birth Certificates sa mga dayuhan, pinabubuwag

Naniniwala ang ilang senador na may sindikatong tumutulong sa mga dayuhan upang makakuha ng mga kahina-hinalang birth certificates na magagamit naman sa pag-a-apply para sa Philippine passports.

Sa pagdinig sa Senado, inamin ni Foreign Affairs Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz na nakahuli na sila ng may 55 dayuhan na kumukuha ng Philipppine passports gamit ang mga kahina-hinalang dokumento.

Ibinunyag din ni Senador Pia Cayetano ang kaso ng isang Vietnamese na na-deport dahil sa kaduda-dudanng pagkuha ng Philippine passport habang anim pang Chinese ang iniimbestigahan sa kaparehong kaso.

Kaya naman iginiit nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Win Gatchalian ang posibilidad ng sindikatong nasa likod ng pag-iisyu ng fictitious birth certificates na kinatigan din ni Cayetano.

Kaugnay nito, iginiit ni Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na dapat tiyaking masasawata ang mga sindikatong ito dahil mandato ng mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking hindi nabibili ang pagka-Pilipino.

Nangangamba pa si Cayetano na nagagamit ang Philippine passports at birth certificates sa pagbili ng mga properties sa bansa.

About The Author