Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng tatlumpu’t apat na libong mga tauhan para tiyakin ang kaligtasan ng mga bibiyahe sa summer vacation.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, bahagi ito ng kanilang Oplan Ligtas Sumvac (summer vacation), na nakatakdang i-activate bago ang Holy Week exodus.
Sinabi ni Fajardo na kabilang sa deployment ang pitunlibong trained tourist police officers na magbabantay sa malalaking bus terminals.
Sa ilalim ng Oplan Sumvac, lahat ng regional at provincial police offices ay dapat buhayin ang kanilang contingency plans at i-maximize ang deployment ng kanilang personnel, sa pakikipagtulungan ng Local Government Units at Department of Tourism.