Para kay House Speaker Martin Romualdez, malinaw na “vote of confidence” sa Philippine economy ang inihayag na 1-B dollar investments mula sa high-level US trade ang investment mission.
Ang investment windfall na mismong si US Secretary of Commerce Gina Raimondo ang nag-announce, ay kinabibilangan ng groundbreaking venture sa energy, digital upskilling, education partikular sa artificial intelligence at cybersecurity.
Hindi lang aniya ito vote of confidence sa ekonomiya ng bansa kundi repleksyon din ng “stratigic at dynamic leadership ni PBBM.”
Sa lahat ng bansa na tinungo umano ng pangulo, lagi nitong pino-promote ang Maharlika Investment Fund, at ang panukalang i-liberalize ang ekonomiya at maging investor-friendly sa paraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.