dzme1530.ph

Pagsasampa ng kasong Arson laban sa grupo ng filmmaker na si Jade Castro, isusulong pa rin ng PNP

Sasampahan muli ng PNP Police Regional Office 4-A ng Destructive Arson ang filmmaker na si Jade Castro at tatlong iba pa kaugnay ng umano’y panununog ng modern jeepney sa Catanauan, Quezon.

Kasunod ito ng paglaya ng grupo ni Castro noong Lunes ng gabi, makaraang katigan ng Korte ang kanilang Motion to Quash, at kwestiyunin ang ligalidad ng pagkakaaresto sa kanila.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, PRO-4A Regional Director, na nananatili silang committed sa pagbibigay ng hustisya at ipagpapatuloy nila ang masusing imbestigasyon sa naturang kaso.

January 31 nang arestuhin ang film director at kanyang mga co-accused nang walang warrant sa Mulanay, Quezon, subalit kinalaunan ay inamin ng mga pulis na wala silang physical evidence na nag-uugnay sa mga akusado sa krimen.

About The Author