dzme1530.ph

Pagsuspinde ng klase dahil sa matinding init, ipinaubaya ng DepEd sa mga school head

Ipinauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa kanilang school heads ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase dala ng matinding init ng panahon.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na pinapayagan din ng ahensya ang mga guro na magsuot ng mas komportableng damit kapalit ng kanilang regular uniforms.

Pinapayuhan din ang mga mag-aaral na magsuot ng pinakamainam na damit kung saan hindi nila masyadong iindahin ang init ng panahon habang nasa paaralan.

Inihayag ng DepEd na walang itinakdang temperature threshold para sa school suspension at maaring magpatupad ang school heads ng alternative teaching modes, sakaling makaapekto na ang init sa kaligtasan o kaginhawaan ng mga estudyante.

About The Author