dzme1530.ph

MIAA, naglatag ng mouse traps sa airport terminals

Ilang daga ang nahuli ng pest control services personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Departure Area sa pamamagitan ng mga non-toxic na pamamaraan, gaya ng mouse traps at adhesive boards.

Hindi umano gumamit ng lason ang pest control team upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na amoy na maaring ireklamo ng mga pasahero.

Sinabi ni Chris Bendijo, Spokesman at Head Executive ng Manila International Airport Authority (MIAA), na inilagay ang mouse traps at sticky pads sa mga lugar kung saan kadalasang gumagala ang mga peste.

Bagaman aminado na mahirap kontrolin ang mga daga, iginiit ng MIAA na ginagawa nila ang lahat ng makakaya upang mapuksa ang mga peste sa paliparan.

About The Author