Sumampa na sa 26 ang bilang ng mga nasawi, habang 11 ang nawawala dahil sa flashfloods at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan sa Indonesia.
Ayon sa National Disaster Management Agency, pinaka-naapektuhan ang Pesirir Selatan district sa Sumatra Island kung saan, nabaon sa lupa ang 14 na bahay.
Napinsala rin ang mga tulay at kalsada dahil sa makapal na putik na dala ng pagguho ng lupa at malawakang pagbaha.
Samantala, patuloy ang mga otoridad sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sakuna.