Iuuwi sa bansa sa pamamagitan ng special air ambulance ang 2 Filipino seafarers na lubhang nasugatan matapos pasabugan ng missile ng Houthi rebels ang sinasakyan nilang merchant vessel sa Gulf of Aden at Red Sea.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na nasa ospital pa rin ang dalawang seafarers, kabilang ang isang seaman na nagtamo ng burns o sunog sa mukha, at isang cook na naputulan ng isang binti.
Dahil dito, hindi sila makakasama sa 11 Pinoy seafarers na darating na sa bansa mamayang gabi.
Ang dalawang lubhang nasugatan ay ililipad pauwi ng Pilipinas sakay ng air ambulance sa mga susunod na araw.
Tiniyak naman ng DFA ang kaukulang tulong mula sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno para sa mga apektadong Filipino seafarers.