dzme1530.ph

Pilipinas, lugi sa mga panukala ng China sa WPS —DFA

Kaunti lamang sa mga panukala ng China sa South China Sea ang puwedeng mapagkasunduan, pero mas marami rito ang dehado ang Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinumpirma ng ahensya na mayroon silang natanggap na concept papers mula sa China hinggil sa iba’t ibang maritime-related proposals noong nakaraang taon.

Sa statement, binigyang diin ng DFA na anumang kasunduan sa foreign government ay naaayon dapat sa mutual interest.

Bukod dito, sinabi ng Kagawaran na hindi dapat maliitin sa kasunduan ang konstitusyon ng Pilipinas o balewalain ang karapatan ng bansa, alinsunod sa international law, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 arbitral award.

About The Author