Papauwi na sa Pilipinas ang 11 Filipino seafarers na nakaligtas sa pag-atake ng houthi rebels sa Gulf of Aden.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na darating na sa bansa mamayang gabi ang 11 Pinoy, kabilang ang isang nasugatan ngunit ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.
Sasalubungin sila ng mga tauhan ng Dep’t of Foreign Affairs, Dep’t of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Dep’t of Health, Dep’t of Social Welfare and Development, at ilang mambabatas, at paaabutan sila ng mga kaukulang tulong katuwang na rin ang kanilang manning agencies.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa maiuuwi ang dalawa pang Pinoy na nasugatan sa pag-atake, at gayundin ang mga labi ng dalawa pang Pinoy na nasawi.