dzme1530.ph

Speaker Romualdez, kumpiyansang magiging mabunga ang biyahe ng Pangulo sa Germany at Czech Republic

Inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez, na isusulong ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. sa Germany at Czech Republic ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Si Romualdez ay kabilang sa official delegation ng Pangulo sa Germany at Czech Republic at inaasahan nito na igigiit ang commitment ng Pilipinas na palakasin ang partnerships tungo sa pagsusulong ng rules-based international order.

Bukod sa security aspect, nakikita rin nitong mas matatag na bilateral relations ng Pilipinas sa 2 bansa na may malawak na economic cooperation at trade investment opportunities.

Sa harap ng mga inisyatibang ito, tiniyak ni Romualdez na suportado ng Kamara ang lahat ng diplomatic initiatives ng Pangulo sa pagtataguyod ng pambansang interes, at paghahanap ng solusyon sa WPS dispute ng may pagrespeto sa international law at prinsipyo ng maritime freedom.

Ang Czech Republic at Germany ay kabilang sa labing-anim na bansa sa European nations na naglabas ng joint statement noong 2023, at tiniyak ang suporta nila sa Pilipinas sa laban nito sa WPS.

About The Author