dzme1530.ph

Mandato ng PhilMech na makatulong sa mga magsasaka, nagagampanan na

Nagagampanan na ng Phil. Center for Postharvest Dev’t and Mechanization’s (PhilMech) ang mandato nito para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Ito ayon kay AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee, tumaas ang utilization rate ng Rice Competitiveness Enhancement Fund’s Mechanization Program.

Sa impormasyon ng kongresista humataw sa 91.6% ang delivery rate ng iba’t ibang machines na binili sa ilalim ng RCEF.

Sa nagdaang budget hearing sa Kamara pinuna ni Lee ang napaka bagal na paggastos ng PhilMech sa pondo nito.

Sa datos ng Department of Budget and Management, ang RCEF utilization noong 2019 ay 36.54% lamang; naging 86.45% noong 2020, bumagsak sa 80% noong 2021, at lalo pang sumasadsad sa 76.16% noong 2022.

Sa ngayon ayon sa PhilMech obligated na ang P24.9-B ng kanilang pondo, at ito ay ipinambili ng agricultural equipments.

Nakapag distribute na sila ng 28,817 piraso ng iba’t-ibang farm equipments, at kabilang dito ang 14,713 land preparation machines, 4,284 crop establishment technologies, 8,210 harvesting at threshing equipment, 768 drying technologies, at 842 milling equipment.

PhilMech ang implementing agency ng RCEF farm mechanization component na may 5-B peso annual budget.

About The Author