Hinimok ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF, ang mga non-Muslim population sa Pilipinas na respetuhin ang paggunita ng banal na buwan ng Ramadan.
Ipinunto ni NCMF National Capital Region Cultural Affairs Chief Esmael Abdul na maaaring maging “sensitive” ang non-Muslims sa kanilang kilos at galaw lalo na sa pagpapakita ng kanilang pagkain sa mga Muslim na nag-aayuno o nagfa-fasting.
Nabatid na parte na ng kultura at relihiyong Muslim ang pagfa-fasting mula bukang liwayway hanggang dapit-hapon tuwing Ramadan.
Ipinunto rin ni Abdul na mahalaga ang buwan ng Ramadan kung saan inilalaan ng ating mga kababayang Muslim ang kanilang oras sa pagdarasal, pagninilay at pag-aayuno.
Nabatid na ang month-long observance ng Ramadan ay magsisimula ngayong araw, March 12, 2024.