Binabalangkas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pagpapatupad ng ban sa electric vehicles, gaya ng E-bikes at E-trikes sa mga national road.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na simula sa April 15 ay epektibo na ang ban sa E-Vehicles (EVs), subalit iku-konsidera pa rin nila ang iba pang mga suhestiyon.
Kapag ipinatupad na ang ban, ang mga lalabag sa nasabing ban ay pagmumultahin ng P2,500.
Posible ring ma-impound ang sasakyan kung walang maipi-prisintang lisensya ang nagmamaneho.