Nagpatupad ang Department of Trade and Industry sa MIMAROPA Region ng price freeze sa mga essential commodities sa bayan ng Bulalacao at Mansalay na pawang nasa probinsya ng Oriental Mindoro.
Dahil sa kautusan ng DTI, bawal magtaas ng mga presyo sa mga pangunahing bilihin sa lugar sa loob ng 60-araw.
Ang nasabing price freeze ay bunsod ng pag deklara ng dalawang bayan ng State of Calamity dahil sa nararanasang tagtuyot sa lugar.
Kabilang sa listahan ng DTI ang basic necessities na kinabibilanagan ng sardinas at iba pang marine products, processed milk gaya ng evaporated, condensed at powdered milk.
Ganun din ang kape, laundry detergent soap, kandila, tinapay, iodized salt, instant noodles, at bottled water.