dzme1530.ph

Gobyerno, dapat maging one step ahead laban sa mga kalamidad

Prevention is better than cure.

Ito ang paalala ni Sen. Christopher Bong Go sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya na kanyang hinimok na maging one step ahead sa mga kalamidad sa pamamagitan ng pagtiyak ng kahandaan laban dito.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa audit at review ng mga gusali at istraktura, binigyang-diin ni Go ang pangangailangang rebisahin at i-update ang National Building Code upang makatugon sa pangangailangan ng panahon.

Hinimok naman ni Senador Raffy Tulfo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang retrofitting program sa mga komunidad lalo na sa mga tinawag niyang poorest of the poor.

Kinuwestyon din ni Tulfo ang mga ahensya ng gobyerno kung naipapaalam ng mga ito sa publiko ang mapanganib na the Big One o ang worst-case scenario para sa Metro Manila partikular ang mga nasa West Valley Fault kung tatama ang magnitude 7.2 na lindol.

About The Author