dzme1530.ph

Aplikasyon sa Shariah Bar exams hanggang March 15 lang

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Saudi Arabia na hanggang sa ika-15 ng Marso na lamang ang aplikasyon para sa Shari’ah Bar exams na gaganapin sa Abril sa Maynila.

Ayon sa Embahada, ang Supreme Court ay nag-alok na magbigay ng travel at accommodation para magkaroon ng pagkakataon makalahok sa bar exam ang mga Pilipinong nasa Saudi.

Ang mga hukuman ng Shari’ah sa bansa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Ang Shari’ah, o batas ng Islam, ay ipinatutupad sa sistemang legal ng Pilipinas at naaangkop lamang para sa mga kapatid nating Muslim.

Una ng naglabas ng abiso si Office of the 2024 Shariah Bar Chairperson, Associate Justice Maria Filomena Singh hinggil sa grant application guidelines para sa mga kukuha ng nasabing pagsusulit na mababasa naman sa official social media pages’ ng SC.

Upang maging abogado sa ilalim ng sistema ng hukuman ng Shari’ah ng Pilipinas, kailangan munang makapasa sa Shari’ah Bar Exam.

About The Author