Maglalagak ang 22 American companies’ ng $1-billion investments sa Pilipinas.
Inanunsyo ng US High-level Presidential Trade and Investment Mission sa pangunguna ni US Commerce Secretary Gina Raimondo, ang high impact investments sa high impact industries tulad ng solar at renewable energy, electric vehicles, digitalization, at telecommunications.
Bukod dito, target din ng trade mission na magsanay ng mahigit 30M Pilipino sa digital at artificial intelligence (AI).
Kabilang dito ang plano ng Microsoft Corp. na makipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority para sa training ng isandaang libong kababaihan sa AI at Cybersecurity.
Bukod dito, mag-iinvest din sa bansa ang technology giant na Google.
Kasalukuyang nasa Pilipinas ang High-level Trade and Investment Mission na binubuo ng 22 miyembro, bilang kinatawan ni US President Joe Biden.