dzme1530.ph

Modus at mga sangkot sa anomalya sa NFA, tinukoy ni Sen. Tulfo

Ibinunyag ni Sen. Raffy Tulfo ang modus operandi sa National Food Authority at mga taong sangkot dito.

Sa kanyang privilege speech, tinukoy ni Tulfo ang suspensyon ng 139 na opisyal at tauhan ng NFA dahil sa pagbebenta ng 150,000 bags ng NFA rice sa mga trader sa pangunguna ni Administrator Roderico R. Bioco at Acting Special Assistant Administrator Engr. John Robert Hermano.

Tinukoy din ng mambbatas sina sina Alwin Uy, Charles Alingod, Max Torda at isang Navarro na sangkot sa katiwalian.

Binigyang-diin ni Tulfo na ang transaksyon na ito ay walang approval ng NFA Council.

Sinabi ni Tulfo na ibinebenta ng mga grupo ni Bioco ang NFA rice sa private traders na P25 bawat kilo kung saan talo anya ang taumbayan ng P112 million.

Iginiit ng senador na hindi na bago ang ganitong kalakaran at open secret din sa NFA ang katiwalian subalit sa ngayon ay nagiging mapusok at lantaran ang mga opisyal ng ahensya sa kanilang mga illegal na gawain.

Noon anya ay may bidding at auction pa, ngayon wala na at pumipili na sila ng mga traders na gusto nilang biyayaan.

About The Author