dzme1530.ph

Mga magsasaka makakabangon pa rin sa El Niño – NIA

Kumpiyansa ang mga magsasaka sa Occidental Mindoro na makakabangon pa sila sa pinsalang dulot ng El Niño.

Ayon sa National Irrigation Administration o NIA, sa ngayon ay kumukuha sila ng suplay ng tubig mula sa Magtangkob River sa Magsaysay Occidental Mindoro.

Siniguro naman ng NIA na makikipagtulungan sila sa National Irristrategic Rechanneling Occidental Mindoro Irrigation Management Office at Magsaysay Local Government upang maibsan ang hirap ng mga magsasaka.

Nagbigay-tulong na rin ang Lokal na Pamahalaan ng nasabing lugar sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kagamitan, habang nagbigay naman ng fuel assistance sa mga magsasaka.

Kamakailan ay nagdeklara ng State of Calamity ang bayan ng Magsaysay dahil sa lumalalang pinsala sa agrikultura na dulot ng matinding tag-init.

About The Author