Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa paglaganap ng mga sakit ngayong summer.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, isa sa malaking problema tuwing summer season ang diarrhea dahil mabilis mapanis ang mga pagkain tuwing mainit ang panahon.
Posible rin aniya ang gastrointestinal illness mula sa mga kontaminadong tubig, kung matagal na hindi nagagamit ang water sources.
Pinaalalahanan din ni Herbosa ang publiko lalo na ang mga mahilig magworkout na uminom ng sapat na dami ng tubig upang maiwasan ang dehydration at heat exhaustion na posibleng humantong sa heatstroke.