dzme1530.ph

Limang-libong gun-related incidents, naitala ng PNP noong 2023

Kabuuang 4,956 na insidente ng gun-related violence ang naitala sa bansa noong nakaraang taon ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na karamihan sa pinag-ugatan ng gun-related violence noong 2023 ay shooting incidents, alarm and scandals, grave threat, at robbery.

Ngayong 2024 naman aniya ay mayroon nang walong-daan at walong insidente na naitala ang pambansang Pulisya.

Ayon pa kay Fajardo sa kasalukuyan ay 3,792 cases na may kaugnayan sa gun violence ang naisampa na sa mga Korte, habang 1,136 ang isinampa sa Prosecutor’s Office.

Una nang pinayagan ng PNP ang mga sibilyan na magmay-ari ng Semi-Automatic High Powered Firearms matapos amyendahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) Ng Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act.

About The Author