dzme1530.ph

Nalalabing 13 Pinoy seafarers na inatake ng Houthi rebels, ligtas na ayon sa Pangulo

Nasa ligtas nang kalagayan ang nalalabi pang 13 tripulanteng Pinoy ng isang merchant vessel na pinasabugan ng missile ng Houthi rebels sa Red Sea at Gulf of Aden.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa bansang Djibouti na ang mga Pinoy, kabilang ang dalawang nasugatan sa pag-atake.

Inaalalayan na sila ng embahada ng pilipinas sa Cairo Egypt, upang makauwi na sila ng bansa sa lalong madaling panahon.

Inatasan na rin Department of Foreign Affairs, Deparment of Migrant Workers, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development na paabutan ng kaukulang tulong ang seafarers at kanilang mga pamilya.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pangulo sa pamilya ng dalawang tripulanteng Pinoy na nasawi sa pag-atake, at nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa kanilang mga pamilya para sa pag-uuwi sa kanilang mga labi.

About The Author