dzme1530.ph

Pag-abandona sa mga bodega ng libu-libong balikbayan boxes, pinabubusisi sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senator Lito Lapid sa kaukulang komite sa Senado ang sinasabing pagkawala at pag-abandona sa mga bodega ng libu-libong balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kanyang Senate Resolution no. 950, nais ni Lapid na makabuo ng mga rekomendasyon upang masolusyunan ang naturang problema at mabigyan ng leksyon at parusa ang mga delingkwente at mandarayang cargo foreign at local forwarders.

Sinabi ni Lapid na may nakuha silang report ng Bureau of Customs (BOC) noong Enero 25, 2024 na may 16 cargo forwarders na hindi nag-deliver ng balikbayan boxes na padala ng mga OFW para sa kanilang pamilya sa bansa.

Bukod dito, iniulat din anya ng BOC noong 2023 na 11 kaso ang naihain nila laban sa sampung cargo forwarders dahil sa kabiguan na ideliver at inaabandona lang sa ilang warehouses na balikbayan boxes.

 

 

About The Author