dzme1530.ph

Mahigit 153k na mga dayuhan, nagparehistro sa immigration simula noong Enero

Mahigit 153,000 na dayuhan na mayroong hawak na immigrant at non-immigrant visas ang tumalima sa mandatory registration of aliens sa bansa.

Sa datos mula sa Bureau of Immigration, kabuuang 153,651 foreigners ang nakiisa sa 2024 annual report simula Jan. 1 hanggang March 1.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naturang bilang ay mas mataas ng 13 percent kumpara sa 136,065 registrants noong 2023.

Kabilang sa mga dayuhang nanguna sa pagpapatala ay mga Chinese na nasa 49,556; sumunod ang Indians, Vietnamese, Americans, at Taiwanese.

About The Author