dzme1530.ph

11 tripulanteng Pinoy na lulan ng inatakeng barko ng Houthi rebels, nakatakdang umuwi sa bansa bukas

Inaasahan ang pag-uwi sa bansa ng 11 Filipino seafarers na kabilang sa crew ng barkong inatake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden, kamakailan.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, kabilang sa ire-repatriate, bukas, ang 10 Pinoy na hindi nasaktan at isang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels.

Sinabi ni Cacdac na maiiwan pa sa ospital ang dalawang pinoy na nagtamo ng major injuries, pati na ang labi ng dalawang nasawi sa naturang pag-atake.

Noong Miyerkules ay naglunsad ng missile attack ang mga rebelde na ikinasawi ng tatlong seafarers na lulan ng commercial ship na true confidence.

Sakay ng inatakeng barko ang 15 Pilipino, 4 na Vietnamese, at Indian captain.

About The Author