dzme1530.ph

Mga electric coop, hinimok gumawa ng paraan upang maibaba ang presyo ng kuryente

Hinikayat ni Sen. Win Gatchalian ang mga electric cooperative (EC) na maghanap ng mga paraan upang mapababa ang halaga ng kuryente para sa kapakanan ng mga konsyumer.

Kasabay nito, muling iginiit nh senador ang pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy (RE) sa mga lugar ng Small Power Utilities Group (SPUG).

Inihalimbawa ni Gatchalian ang kaso ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO), na matagumpay na nakatipid para sa mga konsyumer sa Romblon sa pamamagitan ng paggamit ng hybrid system para sa pagbibigay ng kuryente.

Sa pamamagitan ng grant mula sa Germany na naglalayong bumuo ng mga hybrid system para sa mga off-grid na lugar, pinalawak ng ROMELCO ang hybrid system nito.

Sinabi ni Gatchalian na bukod sa layunin na makamit ang 100% electrification sa kanilang mga service areas, dapat mag-strategize ang mga kooperatiba upang maibaba ang presyo ng enerhiya.

Sa kabila ito ng pag-amin ni Gatchalian na sadyang napakahirap ibaba ang presyo ng kuryente sa bansa.

About The Author