Isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapanatili ng international rules-based order sa harap ng South China Sea dispute, sa nakatakdang pag-bisita sa Germany at Czech Republic sa susunod na linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre, ang Germany at Czech Republic ay like-minded nations o may kaparehong pananaw sa Pilipinas pagdating sa demokrasya, human rights, at rule of law.
Kaugnay dito, tatalakayin umano ng Pangulo ang pagtutulungan para sa international rules-based order.
Sinabi pa ni Algabre na kapwa naglabas na ng pahayag ng pag-suporta sa Pilipinas ang ambassadors ng Germany at Czech Republic kasunod ng mga panibagong insidente sa West Philippine Sea.