Kinilala ng The Datu Bago Awardees Organization Inc. (DBAO) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DBAO Chairperson Councilor Pilar Braga, napili nila si Duterte dahil sa kaniyang pamumuno bilang Mayor ng Davao sa loob ng mahigit 20-taon at sa dedikasyon nito na mapabuti ang probinsya.
Pinuri rin ng prestihiyosong organisasyon si Duterte dahil sa pagpapatupad nito ng Anti-Smoking Law na nakatulong upang mapanatiling malinis ang Davao City, at sa mga batas na nagpopromote ng peace and order, pagprotekta sa kapakanan ng mga tao, at pagdaragdag ng imprastraktura at economic expansion.
Makukuha naman ni Duterte ang kaniyang Award sa March 13.