dzme1530.ph

DFA, dinipensahan ang magkakasunod na foreign trips ng Pangulo

Dinipensahan ng Dep’t of Foreign Affairs ang magkakasunod na foreign trips ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito ay sa harap ng nakatakadang 4-day visit ng Pangulo sa Germany at Czech Republic sa susunod na linggo, kasunod ng kakatapos lamang niyang back-to-back visit sa Canberra at Melbourne, Australia.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre na ang international engagements ng Pangulo ay para sa development agenda, security, at ekonomiya na pakikinabangan ng publiko.

Palalakasin din ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Germany at Czech Republic, partikular sa labor cooperation kaakibat ng pagpapalakas sa people-to-people exchanges.

Isusulong din ang magkatuwang na pagtataguyod ng rules-based international order sa harap ng maritime disputes.

About The Author