Sisikaping palakasin ng Pilipinas ang defense cooperation sa Germany, sa nakatakdang pag-bisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Germany at Czech Republic sa susunod na linggo.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre na mayroon nang umiiral na defense cooperation ang Pilipinas at Germany na nalagdaan noong 1974, ngunit nakatutok lamang ito sa pagsasanay ng Armed Forces.
Kaugnay dito, inaasahang isusulong ng Pangulo ang posibleng pagpapalawak ng kooperasyon.
Samantala, pag-uusapan din ang pagtutulungan sa pagtataguyod ng international rules-based order sa harap ng sigalot sa West Philippine Sea.
Tatalakayin din sa Czech Republic ang posibleng pagpapaigting ng ugnayan sa depensa at iba pang kooperasyon.