Kumbinsido si Pwersa ng Bayaning Atleta/PBA Rep. Margarita Mig Nograles, na may urgency para isabatas ang motorcycle taxi at iba pang motorcycle-for-hire services sa bansa.
Ayon kay Congw. Nograles, eye opener ang katatapos lamang na nationwide transport strike para sabihing importante ang motorcycle taxi bilang alternative transportation.
Pinasalamatan ni Nograles ang Angkas, Joyride at iba pang motorcycle taxis na nagsilbing alternatibong sasakyan kaya hindi naparalisa ang trabaho at negosyo sa bansa sa nagdaang 2 araw.
Bagama’t malaking tulong ang motorcycle taxi, aminado PBA-PL na napaka mapanganib naman kung hindi ito mare-regulate.
Aniya, bahagi na ng day-to-day lives ng libu-libong Filipino ang motorcycle taxis at iba pang motorcycle-for-hire services, kaya naman marapat na kumilos ang pamahalaan upang mapangalagaan ang riding public at drivers nito.
Sa kasalukuyan, pending pa rin sa Committee on Transportation ang House Bill 7034 o ang Motor-Cycle-For-Hire Act na inakda ni Mani Cong. Joel Chua.