dzme1530.ph

Pag-uwi sa labi ng 2 Pinoy na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels, inaayos na ng pamahalaan

Inaayos na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), at Department of Foreign Affairs ang pag-uwi sa labi ng dalawang tripulanteng Pilipino na nasawi sa missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.

Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na dahil active members ang mga biktima, makatatanggap ang kanilang pamilya ng tig-P200,000 tulong mula sa pamahalaan at P20,000 para sa pagpapalibing.

Una nang kinumpirma ng DMW na bukod sa dalawang Pinoy na nasawi, ay dalawang iba pa ang malubhang nasugatan sa pag-atake ng Houthi rebels sa commercial ship na true confidence.

Samantala, ang 10 pang tripulanteng Pinoy na hindi naman nasaktan sa insidente ay namimili na umano ng mga gamit dahil anumang araw ay babalik na sila sa bansa.

About The Author